Sunday, November 13, 2011

Muli


     Ayun. Ako ay nagmistulang isang talunan muli. Sapagkat may mga bagay na hindi pala pwede. Sapagkat may mga bagay ng gusto mong ipilit pero hindi pala dapat. At dahil doon, napag-alaman ko na hindi pala tayo dapat sige ng sige kasi mahirap pala iyon. Para mo na ring linagay ang sarili mo sa sarili mong hukay.
     Anga akala ko nga ma-re-redeem ko na ang mga noong pagkalugi ko eh. Akala ko lang naman.
     Akala, akala, akala… Puro na lang ako akala, buti nabuhay pa ako. Dahil kung literal ngang nakakamatay ang akala, marahil matagal na akong patay. Sa kabilang banda napagaalaman kong buhay pa naman ako bilang isang hamak na mangangangarap lang. Eh kahit naman kasing anong gawin ko kung hindi naman ito natutupad dahil ayaw itong pahintulutan ng realidad kung kaya’t madalas sila ay nauuwi hanggang sa pangarap na lamang.
Eh ano naman ang magagawa ko? Wala. Kundi…

Manahimik

Mangarap

Maghintay

Magkamali

Manalig

Hanggang sa akoy makasumpong ng tama MULI… :)

No comments:

Post a Comment